Monday, May 25, 2009

Errors of Eliseo Soriano vs Rey Entila

Mga Kamalian ni Eliseo Soriano vs Rey Entila

Sa Unang Gabi ng Dialogue
Sinulat ni Bro.Rey Entila
Catholic Faith Defender, Bacolod City


First in series:

Kung di lang pagputol-putulin ng mga taga-ADD ang video episode ng unang gabing tinanong ko si Eliseo Soriano, malalaman ng lahat na HINDI nasagot ni Eliseo Soriano ang mga tanong ko, kundi nag-eevade lamang at nagmumura.

For the sake of fairness on my side and that of Eliseo Soriano, and for the knowledge of all concerned, I am personally writing this series as my time and availability permit me. Iniimbitahan ko ang lahat, Katoliko man o Dating Daan o Protestante, na basahin at subaybayan ito at makapulot ng mga mahalagang KATOTOHANAN. Wala lang tayong personalan, trabaho lang.

1. Tinanong ko si Eliseo Soriano: “Sapagkat isa sa kanyang mga programa ay pinamagatang “Itanong Mo kay Soriano, Biblia ang Sasagot”, kung saan sa Biblia, anong Kapitulo at Versiculo makikita na nakasulat na mayroong 27 at 27 lamang na mga aklat sa Bagong Testamento?”

Umigting ang mga ugat sa leeg ni Eliseo Soriano nang marining niya ang tanong ko. Buong lakas at galit na sumigaw-sigaw na “impertinente na tanong ‘yan!”

Haha! Kung hindi niya pala masagot sa pamamagitan ng na-memorize nya na mga talata sa Bibliya, “impertenente” agad! Pero hindi impertenente ito. Ito ay napaka-importante na tanong, mas importante kaysa mga tanong ng mga taong hindi nakapag-aral sa Bible school o sa Teolohiya.

Kung ang tao ay talagang marunong sa Bibliya, alam niya ang tinatawag na mga “internal evidence” (from the Bible itself) at “external evidence” (from reliable outside sources) ng Bibliya, di ba? Napag-aaralan yan sa mga Bible at Theology schools, bakit kaya ayaw sagutin ni Eliseo Soriano ang tanong ko?

Madali lang naman sagutin yan para sa mga taong nakikining na, katulad ng mga Ebanghelyo, HINDI nakasulat ang kanilang pangalan sa versiculo na sila (Mateo, Markos, Lukas, at Juan) talaga ang sumulat nga particular na Ebanghelyo, HINDI rin naisulat nga kahit isang inspired New Testament writer kung ano talaga ang bilang ng mga inspiradong aklat nga Bagong Tipan. Period. Pero dito malaman ng mga nanonood ang Katotohanan na, katulad na ang Iglesya Katolika ang nagproklama na ang Ebanghelyong ito ay si San Mateo ang sumulat, at ito naman ay sinulat ni Markos, o Lukas o Juan, the same Catholic Church proclaimed that there are 27 and only 27 books in the New Testament! Kaya pinipili lang pala ni Eliseo Soriano ang mga tanong na dapat niyang sagutin.

Malamang takot si Eliseo Soriano sagutin ito sapagka’t ang sagot ay patungo sa KATOTOHANAN na ang nagproklama na may autoridad galing kay Kristo (Mt.16:18-19 at Mt.18:17-18) ay ang TOTOONG iglesya na itinatag ni Kristo, ang iglesya ni Kristo (see Catechism of the Catholic Church par. 832) na siya lamang ang may palataandaan na “Katoliko” (Universal, see Mt.28:19-20), na mayroon lamang 27, walang labis at walang kulang, na mga kinasihan na aklat sa Bagong Tipan na dapat paniwalaan at ilathala sa buong mundo.

Kung hindi alam ito ni Eliseo Soriano, I’m really SORRY for him, kasi ito’y pinaka-BASIC na kaalaman na itinuturo sa mga mag-aaral ng Bibliya tungkol sa topiko na CANON (official list) of the Bible. Nakakagulat malaman ito, ano po? Na si Soriano na nagpapakitang pantas ay walang alam dito, kaya galit na galit siya na baka malaman ng lahat.

Kung sino mang Protestante o miyembro ni Eliseo Soriano o Katoliko man, na gustong malaman itong katotohanan, dapat magsaliksik sa mga aklat ng mga dalubhasa at mga experto tulad ng mga nasa Encyclopedia at mga reference books o sa internet man, tungkol sa CANON OF THE BIBLE. Makikita mo na consistent sa 27 aklat nga Bagong Testamento ang mga early Christians, hindi lamang iisang Kristiyano, kundi buong Konsilyo nga mga Opisyal ng Simbahan sa Hippo (393 A.D), Carthage (387 A.D) sa Africa samantalang ang bantug na si San Agustin ay Obispo roon. Sa Roma (382 A.D) si Pope Damasus nagsugo sa bantug na si St. Jerome (d.420 A.D) na magsalin ng Hebreo at Griegong Biblia tungo sa Latina (Vulgata). Tila yata, hindi alam ito ni Eliseo Soriano, o gusto lang mag-eskapo sa katotohanang ito.

Ito ang halimbawa ng mga prueba: “The 27 books of the New Testament received by the Christians were proclaimed in 397 A.D. and was officially declared in the year 405 A.D.” (Collier’s Encyclopedia Vo. IV, p.117).

Ang ama ng Protestantismo na si Martin Luther (d.1546) ay sumulat: “We are obliged to yield many things to the Papists (Catholics) – that they possess the Word of God which we received from them, otherwise we should have known nothing at all about it.” (Commentary on St. John, Ch.16).

ANG KATOTOHANAN AY ANG SANTA IGLESYA KATOLIKA ANG NAGPROKLAMA NA MAY BUONG AUTORIDAD GALING KAY HESUKRISTO, NA MAY 27 AT 27 LAMANG NA AKLAT ANG BAGONG TESTAMENTO.

Tatlong puntos ang dapat pagdiinan ditto:

Una, ang programa ni Eliseo Soriano na pinapamagatang “Itanong mo kay Soriano, Bibliya ang sasagot”, ay HINDI KAILANMAN makakasagot ng tanong bakit LAHAT NG MGA KRISTIYANO na may Bibliya ay gumagamit ng 27 na aklat ng Bagong Tipan, samantalang wala namang nakasulat na 27 aklat ang dapat paniniwalaan.

Ikalawa, ang pamagat ng programa ni Eliseo Soriano ay nababase sa mali na 16th century man-made (see Mt.15:3,7; Mk.7:9; Col.2:8!) Bible Alone (Sola Scriptura) principle, ang prisipyo na gumawa ng sobra 33,000 sekta, denominasyon at mga kulto, sapagka’t maliban na WALANG TALATA na nakasulat na Bibliya LAMANG, ito ay di pinaniniwalaan ng mga Kristyano sa isang libo’t limandaang taon ng Kristiyanismo, at salungat sa sentido kumon (common sense) na ang napakahalagang aklat tungo sa kaligtasan ay pumunta lamang sa mga kamay ng mga taong nagbigay-kahulugan ayon lamang sa kanilang SARILING pangkahulugan (bawal sa 2 Pet.1:20-21).

Ikatlo, si Eliseo Soriano naman ay talagang palabasa ng mga current events at mga sulat tungkol sa siyensia (science), nguni’t HINDI MAIKUBLI NA Mahina o Malabo siya sa kasaysayan ng Kristiyanismo. Kung sana magawa niyang hindi maging biased sa pagbabasa ng katotohanan, sana magbukas ang mga mata niya na ANG MISMONG INAATAKE NIYANG IGLESYA KATOLIKA ay siyang nag-compile, nagdepende at nagproklama ng Bibliya na may 27 aklat nga Bagong Tipan na siyang nilalathala ni Eliseo Soriano sa mga tao.

(end of article)

Ipagpatuloy sa susunod na serye...

Note: This is a standing challenge to Dating Daan Members and to their Founder Bro. Eliseo Soriano to ANSWER this first issue on the CANON OF THE BIBLE. Kung hindi ninyo masasagot ito, o mabigyan man ng makatotohanang sagot base sa mga ebidensya at hindi lamang mga KURO-KURO o bulay-bulay ni Eliseo Soriano, MALALAMAN ng LAHAT na IMPERTENENTE at walang kwenta ang mga aral at programa ni Eliseo Soriano.

Itong condition natin, mga members ng ADD. Sagutin nyo ang bawa’t article na sinusulat ko, at huwag lumabas sa tema ng article through other topics like purgatory, larawan ng mga santo, Virgin Mary, Santo Papa, etc, o mga personal na mga atake at pagmumura na dala yata sa technique ng boss nyo, pero AGAINST THE RULES OF FORMAL DEBATES (kaya ayaw kong makipag “debate” sa kanyang style na puro sigaw at mura lang aabutin ko, unless sa neutral ground na hindi sa teritoryo ninyo) May panahon din sa mga topikong ganyan, kaya isa-isahin lang natin para maliwanag kung sino ang nagsasabi ng totoo.

Tandaan nyo, mga pare ko sa Dating Daan: Lahat ng mga sagot nyo, ilalabas sa blog ko at ng mga kasama ko. Kaya kunting pag-iingat at paghihinahon bago sumagot sa article ko. 2 ½ pages lg article ko ngayon on the proclamation by the Catholic Church on the canon of 27 books of the New Testament, kaya, sagutin nyo rin nga 2 1’2 pages, ok?

God bless us all!

_____________________________________________________________

Ang tungkol sa 2 Thess.2:15 on Apostolic Tradition na hindi rin nasagot ni Eliseo Soriano ay tatalakayin ko sa mga susunod na issue.

Ang pangalawang gabi ng muntik na akong umuwi kasama at dalawa kong kasama, dahil isang oras bago kami nag-dialogue ni Eliseo Soriano, isang oras kaming nakaistambay sa labas ng pintuan ng studio, lahat ng mga miyembro ni Eliseo Soriano pinag-utosan ng gwardia sa malakas na tinig, na magsuot ng kanilang mga I.D.s, na para bagang kaming walang I.D ay malaman agad. Sa labas walang humpay na pagmumura at demoralizing na pananalita ang pinagtatapon sa akin ni Danny Navales, na kung sasagutin ko siya, lalo siyang nagagalit, lumalakas ang tinig at nauubusan ng paciensiya. Pinipilit pa ako pinapainom ng isang basong tubig ng mga kasamahan nila sa ADD, kahit nagsasabi akong ayaw ko. Ininom ng pinsan ko at nagka-LBM siya pagdating sa bahay niya.

Iproduce nyo nga ang videong iyan na walang pagbabago at pagputol-putol! Simula nang pagpasok pa lang namin sa studio hanggang bumaba kami pauwi nakunan ng video. Sige, iproduce nyo yan upang malaman ng lahat kung paano ako at mga kasama ko pinagmura, binastos at pinag-demoralize ng mga miyembro ng Ang Dating Daan, especially ni Danny Navales, bago nanglalantang humarap kay Eliseo Soriano sa telebisyon.

Mabuti na inumpisahan nyong inungkit ang 2 episodes na yan kay Eliseo Soriano. Kasi, sa inyo lahat ng power, autoridad at oras sa studio nung una, dito sa Internet, patas na tayo.

Tatalakayin ko sa susunod na mga panahon ang 2nd night of dialogue with Eliseo Soriano and I will point out his gross errors in interpreting for SOLA SCRIPTURA the verses: Isa.34:16; Lk.1:1-4; 1 Jn.1:1-4; Rom.15:4; 1 Cor.4;6; Mt.18:15-18 at iba pa.. Exciting ito, mga pare ko. Kahit yung pangkahulugan niya na Jeremiah.16:16 ay mali rin.

CATHOLIC FAITH DEFENDERS  DIOCESE OF BACOLOD CHAPTER  Since 2014 to Present CFD WESTERN VISAYAS GOVERNOR:  DR. REY V. ENTILA, PH...