Wednesday, September 16, 2009

ANG PAGKAKAMALI NI SORIANO SA KAHULUGAN NG JEREMIAS 6:16

ANG PAGKAKAMALI NI SORIANO
SA KAHULUGAN NG JEREMIAS 6:16
Sinulat ni: Bro. Rey V. Entila
CFD, DIOCESE OF BACOLOD
8/20/09


Jer.6:16 - Ganito ang sabi ng Panginoon, Magsitayo kayo sa mga daan at magsitingin kayo, at ipagtanong ninyo ang mga dating landas, kung saan nandoon ang mabuting daan; at magsilakad kayo roon, at kayo’y mangakakaasumpong nga kapahingahan sa inyong mga kaluluwa: nguni’t kanilang sinabi, Hindi kami magsilakad doon.

Kamangha-mangha na ang isang bagong litaw na sekta na “offshoot” lamang ng sektang itinatag ni Nicolas Perez noong 1936, ay matapang na kumuha ng talata sa Lumang Tipan at mag-claim na sila ang tinutukoy roon, ang dating daan! Whew! 1975 lang itinayo ang sekta ni Soriano, pinapalabas pa na sila ang DATING DAAN sa Lumang Tipan! Di ba maliwanag na hocus-pocus ito, mga kapatid?

Ang tinutukoy sa Jer.6:16 ay ang kasaysayan ng bayan ng Dios (Israel at Judah) at ang mga espiritwal na aral na makukuha roon. E, anong, relasyon ng sekta ni Soriano roon, na mahigit 2,500 taon na agwat sa kanila? No relation at all, but a figment of Eli’s imagination!

Sapagka’t ang Lumang Tipan ay nagkakaroon ng kaganapan sa Bagong Tipan, ang Judaismo ay napalitan at naging ganap sa Kristiyanismo, ang tunay na Daan ay si Hesus (Jn.14:6) at ang kanyang bagong sambayanan ay tinawag ring Daan (Gawa 9:22). Kaya ang DATING DAAN ay hindi na aplikable sa Bagong Testamento, kundi ang Bagong Daan na siyang walang kamatayang iglesiang itinatag ni Kristo mismo. Iyon, mga kapatid, ay HINDI ang Iglesia na itinatatag ni Nicolas Perez (1936), o ni Soriano (1975) o ni Manalo (1914), as common sense tells us. Iyon ay ang totoong iglesia ni Kristo (see Catechism of the Catholic Church par. 816 “the sole Church of Christ”) na laganap sa buong mundo (Catholic = universal)!

O, sige nga, mga miyembro ng Dating Daan, ibigay niyo ang lahat ng ebidensya nyo na sa Lumang Tipan, KAYO ang tinutukoy na DATING DAAN. Tell it to the marines, hehe, ika nga!

Lalo ring wala kayong ebidensiya sa Bagong Tipan, kasi Lumang Tipan ang ginamit niyo, e hindi pala kayo yun. Ngayon, lipat naman kayo sa Bagong Tipan? Palipat-lipat pala kayo, pabago-bago ang isip at doktrina, walang-katiyakan, haha. Depende sa andar ng utak ng inyong Founder kasi e, hindi ayon sa katotohanang di-nagbabago! Bagong Tipan na nga e na may bagong Daan - si Hesus at ang kanyang ITINAYONG iglesia - gawin nyo pang DATING daan. Lantaran na yatang kalokohan yan, pareng Eli. Pero, di lang masyadong halata ng iba – lalong-lalo na ng mga taga-Dating Daan. Sorry.

(end of article)

CATHOLIC FAITH DEFENDERS  DIOCESE OF BACOLOD CHAPTER  Since 2014 to Present CFD WESTERN VISAYAS GOVERNOR:  DR. REY V. ENTILA, PH...