BLATANT ERRORS OF SORIANO
Ayon sa Biblia
(King James Version)
ANG PAGKAKAMALI NI SORIANO
SA KAHULUGAN NG LUKAS 1:1-4
Sinulat ni: Bro. Rey V. Entila
CFD – Diocese of Bacolod
(6/3/09)
Lk.1:3 – Ay minagaling ko naman, pagkasiyasat na lubos nga pangyayari ng lahat ng mga bagay mula nag una, na isulat sa inyong sunod-sunod, kagalanggalang na Teofilo;
- pinagdiinan ni Soriano na lahat ay isinulat na ni Lukas kaya suficiente na ang aklat ni Lukas para malaman ang lahat tungkol kay Kristo!
- Ha???!! Bago pa lang ako nakarinig sa buong buhay ko na ang isang tagapangaral ng Biblia - bantog at nag-claim pa na pantas daw at walang paltos magsalita ukol sa Biblia – ay makapagsabi ng ganitong walang kabuluhang mga pananalita!
- Kung ang aklat ni Lukas ay suficiente na, e bakit ang Biblias na pinapangaral mo ay 66 na aklat lahat? Sana nagprodyus ka na lang ng Soriano version ng Biblia mo na isang aklat lang, ayon lang kay San Lukas, hehe : )
- Tiyak ako na hindi lang mga Katoliko makakalaban mo rito kundi buong Kristiyanismo! Pati mga profeta, mga Apostol at si Kristo mismo makakalaban mo sapagka’t lahat sila ay nag-recognize ng autoridad nga Lumang Tipan at nag-quote mula roon!
- Pero, hindi ka original, kapatid na Soriano sa pagputol mo ng Biblia, may nauna na sa ‘yo noong ika-lawang siglo pa lamang. Pero hindi ka yata nagbabasa ng Church history e, but for the sake of truth na malaman mo at ng mga bumabasa ng blog na ito, si MARCION (A.D. 144) preacher din katulad mo at na-excommunicate ng Romano Katoliko ng siglong yaon, ay nagturo na ang Lumang Tipan ay dapat itakwil sapagka’t yan ay nagtuturo ng masamang Diyos. Para sa kanya, ang Bagong Tipan na dapat tanggapin ay sampu lamang. Mabuti sa kanya may sampu pa, sa iyo, kapatid na soriano, isa lang.
- E kung isang aklat na lang ang kay Soriano at ng kanyang mga mag-aaral, paano pa ba matatawag na Biblia yan? Sa rule ng grammar, by the way, ang isang aklat lang (Lukas, halimbawa) ay di pwedeng tawagin na “Biblia” (plural) kundi “Biblion” (singular). Nakakatuwa talaga ang aral ni Soriano, oo. Magaling magsalita pero kung siyasatin mo ang kanyang salita, e nonsense naman.
Verse 1 – Yamang marami ang nagpilit mag-ayos ng isang kasaysayan noong mga bagay na naganap sa gitna natin,
2 Alinsunod sa ipinatalos sa atin nilang buhat sa pasimula ay mga saksing nangakakakita at mga ministro nga salita,
3 Ay minagaling ko naman, pagkasiyasat na lubos nga pangyayari ng lahat ng mga bagay mula nag una, na isulat sa inyong sunod-sunod, kagalanggalang na Teofilo;
4 Upang mapagkilala mo ang katunayan tngkol sa mga bagay na itinuro sa iyo .
- Kung ating siyasating mabuti ang laman ng 1st four verses na isinulat ni San Lukas, HINDI ito nagpapahayag ng BIBLIA LAMANG (SOLA SCRIPTURA) na prinsipyo sa pag-aaral nga Biblia. HINDI mababasa iyan sa mga talata, kahit pagdiinan pa masyado nga basa ni bro. Willy Santiago. Ang mababasa ay mula sa APOSTOLIC TRADITION, ibig sabihin sa kasaysayan na ipinahayag nga mga SAKSI (mga Apostoles at mga disipulo), na-compile ni San Lukas at isinulat sa ilaim ng inspirasyong ng Banal na Espiritu ang mga nangyari at itinuro ni Kristo.
- Samakatuwid, ang talatang Lk.1:1-4 ay nagpapahayag ng, UNA, Apostolic Tradition, at IKALAWA, written Gospel ayon kay San Lukas. Kathang-isip lamang ni Soriano na walang Apostolic Tradition ditto sa talata, at puro nakasulat lamang.
- E kung sabihin ni Soriano - matapos malaman na may Apostolic Tradition pala talga na binasehan si San Lukas – na pagkatapos naisulat, hindi na kailangan ang Apostolic Tradition sa pagtuturo nga Ebanghelyo? Haha! That’s another unbiblical presupposition! Saan nakasulat diyan na pagkatapos isinulat ang Ebanghelyo, basahin na lang ng lahat? Wala.
- Kawawa naman ang mga karamihang tao ng panahong iyon – mga babae, mga bata, bulag, mga illiterate, hindi nila malalaman ang Ebanghelyo kasi di sila marunong bumasa. Kung ganito kaunti lang masyado maliligtas, ayon sa pamaraan ni Soriano.
- Nguni’t ang pamamaraan nis Soriano ay salungat sa pamamaraan ng mga naunang mga Kristiyano. Sila ay NAGTURO. Sa Lukas 1:4, ipinahayag ni Lukas na tinuruan ang kagalangalang na Teofilo. Hindi lamang bumasa si Teofilo sa Lumang Tipan o ng mga naunang sulat bago sumulat si Lukas, kundi siya ay TINURUAN. Sino ang nagturo sa kanya? Di ang mga may autoridad magturo (Magisterium) sa Iglesia, primarily mga Apostol.
- O mga kapatid, at bro. Soriano, nakita mo na na ang prinsipyo na Sola Scriptura (Biblia Lamang) na kinopya mo lang kay Ginoong Nicolas Perez, na kinopya niya rin kay Felix Manalo, na kinopya ni Felix sa kanyang mga guro na Adventista, Metodista at sa Church of Christ, na kumopya lamang sa mga 16th century Protestant Reformers (Luther, Calvin, Zwingli, Oecolampadius, Melancthon, Munzer, atbp). Doon nagsimula ang MALING prinsipyo na ‘yon.
- Sana maliban sa masusing pagsasaliksik ng Bibliya, saliksikin mo rin, kapatid na Soriano ang Church history, kung saan ba talaga galling ang mga kamaliang ito, at imbento lang pala ng taong tulad mo. E kung ayaw mo magbasa ng Church history upang malaman mo at nang iyong mga fans ang mga nangyari noon, you are prone to forever repeat the errors of the past. Maraming mga kaluluwa ang mapapahamak. Kawawa naman, kapatid.
(end of article)