BLATANT ERRORS OF ELISEO SORIANO
Ayon sa Biblia
(King James Version)
ANG PAGKAKAMALI NI ELISEO SORIANO
SA KAHULUGAN NG 1 CORINTO 4:6
Sinulat ni: Bro. Rey V. Entila
CFD – Diocese of Bacolod(6/3/09)
1 Corinto 4:6 – Ang mga bagay ngang ito, mga kapatid, ay inianyo ko sa halimbawa sa aking sarili at kay Apolos dahil sa inyo; upang sa amin ay mangatuto kayo na huwag magsihigit sa mga bagay na nangasusulat; upang ang sinoman sa inyo ay huwag magpalalo ang isa laban sa iba.
- Ito yata ang pinaka-proof text ni bro. Eliseo Soriano upang ipagtanggol ang kanyang pang-taong tradisyon na namana kay Nicolas Perez, Felix Manalo at sa mga ika-16 na siglong Protestant Reformers.
- Paulit-ulit sa kanyang mga programa sa telebisyon, ito ang talata na naging kanyang “material principle” sa “Itanong Mo Kay Soriano, Biblia ang Sasagot”. Pero, ang tanong, e “Nasiyasat mo bang mabuti, kapatid na Soriano, na ang talata sa 1 Cor.4:6 ay kailan ma’y hindi nagtuturo tulad ng iyong itinuturo na Biblia lamang (Bible alone?)”. Hehe, marahil sa buong programa mo, hindi pa naitanong ito.
- “huwag magsihigit sa mga bagay na nangasusulat” – do you notice na ang tense ng verb (pandiwa) diyan ay past tense (pangnagdaan), lumipas na? Strictly speaking, si Apostol Pablo ay tumutukoy sa Lumang Tipan, di ba? Kung ito ang proof text mo, kapatid, malinaw na dapat sa Lumang Tipan ka lang magbase ng pag-aaral mo! What a poor text for Sola Scriptura principle! Kaya nga hindi kailanman pwede itong maging proof-text ng mga Protestante, Dating Daan at mga iba’t-ibang kulto nga Kristiyanismo e.
- Kung sasabihin mo, kapatid na Eliseo Soriano, na tumutukoy din si San Pablo sa mga “future writings”, saan sa talata doon? Ikaw na yata ang sumobra sa mga nakasulat e, haha. Ikaw mismo ang nag-violate ng iyong sariling paninindigan!
- Di ba sinabi mo pa na huwag natin dagdagan o kulangan man ang mga nakasulat (Rev.22:19)? E bakit nagdagdag ka pa ng “at sa mga sulat na darating” ayon sa argumento mo sa akin noon? Kung hindi nga sinabi ng Catholic Church kung ano ang official list o canon ng Bagong Tipan na 27 books e, wala ka ring alam kung ano yun, kasi di sinulat at di inisa-isa ni Pablo ang mga iyon.
- Sa totoo lang, dapat basahin natin muna ang nakasaad sa Chapter 4 ng Unang Corinto. Sinulat ni San Pablo sa verse 1 “Ipalagay nga kami ng sinoman na mga ministro ni Cristo, at mga katiwala ng mga hiwaga nga Dios”. Ano ba ang ibig sabihin nito, na bilang mga MINISTRO ng Dios, ang Gawain nila ay MAGSUSULAT lamang at ipabasa sa mga mananamplataya, at huwag lumampas sa mga nakasulat? Masyadong malayo naman yan sa diwa ng mga Apostol at ng kasulatan! Ang katotohanan ay sila’y may autoridad sa Pagturo (Magisterium) at di lamang sa inspiradong pagsulat. Iyan ang iniutos ni Cristo bago Siya umakyat ng langit na magsihayo, magpangaral (preach) at magturo (teach) nga Ebanghelyo sa lahat ng sangkataohan (Mk.16:15; Mat.28:18-20).
- to reduce the teaching authority of the Apostles sa PAGSUSULAT lamang at walang buhay na oral teaching (Magisterium) ay isang pagtuturo na sumusalungat sa turo ni Cristo at ng mga Apostoles mismo!
- Sa verse 6 sinabi ni San Pablo: “upang sa AMIN ay mangatuto kayo”. Hindi lamang sa mga nakasulat matuto ang mga taga-Corinto (Cristiyano) kundi sa halimbawa at pamumuhay Cristiyano din ni San Pablo at Apolos matuto ang lahat. Kung sa mga nakasulat lang, kulang yun. Kaya nga sumulat ulit si san Pablo sa kanila, kasi marami pa silang dapat matutunan sa bukambibig niyang pagtuturo at sa kanyang sulat, NGUNI’T HINDI sa kanyang sulat lamang.
- Sa verse 15, itinuro ni Pablo na may mga GURO ang mga taga-Corinto (o mga Cristiyano), nguni’t siya ay kanilang ama (spiritual, not carnal father, that’s why priests are also “spiritual fathers” following the example of St. Paul). Ano ba ang ginagawa nga ama, sumusulat lang bas a kanyang mga anak? Hindi, naman po, di ba? Considering the oral culture of their time, direct oral teaching was very much effective, rather than writing occasionally. Kaya sa Deut.6:7 iniutos: “At iyong ituturo ng buong sikap sa iyong mga anak…” Kaya ang Catholic Church ay totoong sumusunod sa mga turo at halimbawa ng mga Apostol at nga kanilang mga sinulat.
- Sa verse 17 SINUGO ni San Pablo si Timoteo na kanyang anak (spiritual son) na magpaalaala (oral teaching) sa kanila,
- “gaya ng ITINUTURO ko saan mang dako sa bawa’t iglesia”. Si San Pablo pala ay nagtuturo ( oral preaching, or, see Magisterium) sa BAWA’T iglesia, hindi sumusulat lamang.
- Konklusyon: Ang 1 Cor.4:6 na proof-text mo, kapatid na Eliseo Soriano, para ipangaral ang mali at nabase sa pan-taong tradisyong “Bible Alone/ Sola Scriptura/ Biblia Lamang” ay hindi kailanman makatutulong sa iyong maling doktrinang ito. On the contrary, 1 Cor.4:6, kung basahin sa buo niyang konteksto, ay sumasang-ayon sa 2,000 years na turo nga Iglesia Katolika, mula pa kay Hesukrtisto, sa kanyang mga Apostoles, sa mga successors ng mga Apostoles na mga Obispo sa buong mundo, na ang pagtuturo nga kaligtasan ay nabase sa NAKASULAT (BIBLE) at sa autoridad sa PAGTUTURO (MAGISTERIUM) ng Santa Iglesia Katolika.
(end of the article)