TALATA:
Rom.15:4 – Sapagka’t ang anomang mga bagay na isinulat nang una ay nangasulat dahil sa ikatututo natin, upang sa pamamagitan ng pagtitiis at pag-aliw ng mga kasulatan ay mangagkaroon tayo nga pag-asa.
Para kay Ka Eli, itong Roma 15:4 ay patunay raw na sapat na ang nakasulat sa Biblia, hindi na kailangan ng Apostolic Tradition at Pagtuturo ng Simbahan (Church Magisterium). Pero saan nakasulat diyan na Biblia lamang ay sapat na? Wala naman a, di ba? Ang sinasabi riyan ay “anomang mga bagay na isinulat nang una ay nangasulat dahil sa ikatututo natin”, past tense ‘yan, ano sa tingin mo? Ang isinasaad ni San Pablo ay dapat yaong mga Kristiyano na sinulatan niya noon ay matuto sa mga isinulat noong una. Ano yung tinutukoy niya na nakasulat noong una? Hindi siya tumutukoy sa Bagong Testamento na hindi pa nga nabuo, KUNDI sa mga nakasulat sa LUMANG TIPAN!
Kung ito ang proof-text mo, Ka Eli, e di Lumang Tipan lang sapat na sa ‘yo at sa mga disipulos mo, hehe. Kita mo, kahit anong talata sa Biblia ang gamitin mo, WALA ka talaga, KAHI’T ISA man lang na makakatulong sa man-made o Luther-made na docktrinang Biblia lamang ay sapat sa pagtuturo ng dalisay na pananampalataya. Sige pa, halungkatin mo pa ang buong Biblia, ang masasabi ko lamang sa iyo ay sayang lang ang oras mo at ng mga nakikinig sa iyo. Sinabi mo na lahat nga aral mo, basahin mo sa Biblia. E wala ka ngang mababasa e. O, nakita mo na, UNBIBLICAL pala ang presupposition mo at nang buong Protestantismo na Biblia lamang (Bible Alone), at nagbunga nang libu-libong mga magkasasalungat na mga aral tulad nang mga pinangangaral mo.
Kahit ano mo pang ikot sa mga tao upang pag-isahin laban sa Katolikong Simbahan, ay di mo makayang gibain ang katotohanan na si Kristo ay nagtatag ng kanyang simbahan upang MAGTURO (Magisterium) sa pamamagitan ng katotohanang ipinapasa mula pa sa mga Apostoles (Apostolic Tradition) at hindi sapat ang nakasulat lamang.
CATHOLIC FAITH DEFENDERS DIOCESE OF BACOLOD CHAPTER Since 2014 to Present CFD WESTERN VISAYAS GOVERNOR: DR. REY V. ENTILA, PH...
-
THE OLD AND NEW TESTAMENT ROCKS written by: bro. Rey V. Entila (written: May 2006) CFD - Diocese of Bacolod One of the persistent object...
-
Mary Crowned as Queen of Heaven and Earth Written by: Bro. Rey V. Entila CFD - Diocese of Bacolod (Written: June 2005) Mary is Queen of ...