MGA TALATA:
1 Jn.1:1-4 – 1 Yaong buhat sa pasimula, yaong aming narinig, yaong nakita ng aming mga mata, yaong aming namasdan, at nahipo ng aming mga kamay, tungkol sa salita ng buhay
2 (at ang buhay ay nahayag, at aming nakita, at pinatotohanan, at sa inyo’y aming ibinabalita ang buhay, ang buhay na walang hanggan, na kasama ng Ama at sa atin ay nahayag);
3 Yaong aming nakita at narinig ay siya rin naming ibinabalita sa inyo, upang kayo naman ay magkaroon ng pakikisama sa amin: oo, at tayo ay may pakikisama sa Ama, at sa kaniyang Anak na si Jesukristo:
4 At ang mga bagay na ito ay aming isinususulat, upang ang ating kagalakan ay malubos.
Komentaryo: Dalawang bagay ang dapat tandaan: sa talatang 3 “ibinabalita” ni Juan sa mga Kristiyano, at sa talatang 4, “isinususulat” naman para sa mga mananamplataya. Ano ang konklusyon natin? Ito: ang “prueba” ni Soriano na ito’y nagpapakita na Biblia Lamang ang basehan, ay napakalaking PAGKAKAMALI. Dalawa nga ang binasehan dito e: ang oral Apostolic Tradition na pagbabalita, at ang written document na ito. (Expound ko pa ito later, mga kaibigan).
Isa.34:16 – Inyong saliksikin sa aklat ng Panginoon, at inyong basahin: kahit isa sa mga ito ay hindi magkukulang, walang mangangailangan ng kanyang kasama; sapagka’t iniutos nga aking bibig, at pinisan sila ng kaniyang Espiritu.
Komentaryo: Ang talatang itong ginamit ni Soriano at hindi lang niya kundi ng mga “Bible Alone” preachers, ay hindi nagsasabi na SALIKSIKIN AT BASAHIN SA AKLAT LAMANG upang malaman ang Kanyang kagustuhan. Sapagka’t Siya mismong Dios ang nag-utos sa mga propeta na mangaral spamamagitan ng salita man or sulat. Mayroon ngang mga propeta na nangaral pero hindi sumulat: si Natan, si Elias at si Eliseo (pero hindi si Eliseo Soriano, of course).
In fact, basahin mo ang unang talata nitong Kabanata 34: “Kayo’y magsilapit, kayong mga bansa, upang mangakinig; at dinggin ninyo, ninyong mga bayan…” O ano, masasabi mo Eliseo, nagsabi ba ang Dios na lahat ay isulat lamang at basahin lamang, o makinig din sa autorisadong pagtuturo? (to be continued, mga kaibigan, kapatid at magulang…)
CATHOLIC FAITH DEFENDERS DIOCESE OF BACOLOD CHAPTER Since 2014 to Present CFD WESTERN VISAYAS GOVERNOR: DR. REY V. ENTILA, PH...
-
THE OLD AND NEW TESTAMENT ROCKS written by: bro. Rey V. Entila (written: May 2006) CFD - Diocese of Bacolod One of the persistent object...
-
Mary Crowned as Queen of Heaven and Earth Written by: Bro. Rey V. Entila CFD - Diocese of Bacolod (Written: June 2005) Mary is Queen of ...