Mt.18:15-17- 15 At kung magkasala laban sa iyo ang kapatid mo, pumaroon ka, at ipakilala mo sa kaniya ang kaniyang kasalanan na ikaw at siyang mag-isa: kung ikaw ay pakinggan niya, ay nagwagi ka sa iyong kapatid.
16 Datapuwa’t kung hindi ka niya pakinggan, ay magsama ka pa ng isa o dalawa, upang sa bibig ng dalawang saksi o tatlo ay mapagtibay ang bawa’t salita.
17 At kung ayaw niyang pakinggan sila, ay sabihin mo sa iglesia: at kung ayaw rin niyang pakinggan ang iglesia, ay ipalagay mo siyang tulad sa Gentil at maniningil ng buwis.
Pinagmali ni Soriano ang hayag na katotohanan na ang iglesiang itinatag ni Kristo ay siya mismong final arbiter (Supreme Court, ika nga) ng mga espiritual na bagay na di kayang ma-resolve ng mga Kristiyano. Sinabi niya na ang konteksto ng Mt.18:15-17 ay fraternal correction lamang at di ito nagpapatunay ng autoridad o Teaching Authority (Magisterium) ng Simbahan. Kung ganun, masyado yatang makitid ang pang-unawa niya sa inspiradong aklat ng Biblia!
Hindi mo yata nalalaman na ang Biblia ay dapat unawain sa magkakaibang “senses”: literal sense, spiritual sense (allegorical, moral, anagogic) at sensus plenior (fuller sense). Ang literal ay yaong konteksto. Totoong ang konteksto ay nagsasaad kung paano mag-approach sa nagkakasalang kapatid, pero ang buong konteksto ay nagpapahayag nga autoridad ng simbahan, hindi lamang sa pagtuturo ng moralidad kundi nga totoong pananampalataya rin.
Ito ang prueba, kapatid. Sa talatang 17 “At kung ayaw niyang pakinggan sila, ay sabihin mo sa IGLESIA: at kung ayaw rin niyang pakinggan ang IGLESIA, ay ipalagay mo siyang tulad sa Gentil at maniningil ng buwis.”
Anong iglesia itong dapat pakinggan? Of course, para sayo, hindi iglesia na itinatag ni Manalo (1914). Hindi rin Sabadista (1863) or Mormon (1830) o Baptist (1609) o Saksi ni Jehovah (1872). Hindi rin ito kahit anumang iglesia na Protestanteng nagsimula noong 1521 na pinagunahan ni Luther. E, ano yun para sayo, kapatid? Ah, iyon ay iglesia ni Perez (1936), na kahit sabihin mo pa na iglesia ng Dios, pero hindi talaga ang Dios ang nagtayo kundi si Ginoong Nicolas Perez!
Inaatake mo ang Iglesia ni Cristo na di dapat tawaging Iglesia ni Cristo, kundi, iglesia ni Manalo. Yun pala kung i-apply rin sa yong iglesia ay di rin dapat tawaging iglesia ng Dios, kundi iglesia ni Perez! Wala kang kawala ano, ka Eli?
E, kung ayaw mo magpailaim sa successor ni Perez na si Levita Gugulan, kasi siya’y babae, ika mo, nangyari na gumawa ka rin ng iyong iglesia na iyong ipina-rehistro sa SEC na mayroong pabago-bagong pangalan, na wari ko noon wala na yatang katapusang paghahanap ng pangalan kasi may mga nauna na sa iyong mga iglesia na may gayong pangalan.
Anong ibig sabihin nito? Simple po lamang, ang iyong iglesia ay di dapat ngang tawagin na iglesia ng Dios o iglesia ni Perez, kundi iglesia ni Soriano (1975 o 2009)! Diyan, wala ka nang problema sa SEC. Good suggestion, di ba mga miyembro ng ADD? Para makapagpahinga naman kayo ng maluwag na solo niyo talagang title na iyan.
Pero di pa rin yata kayo makapag-buntong-hininga, kasi ang itinatayong totoong iglesia ng Dios na si Kristo ay itinayo sa Jerusalem, hindi dito sa Pilipinas, at itinatag noong 30 AD, hindi 1975!
Nguni’t kung kayo ay talagang tapat sa inyong pagsasaliksik ng katotohanan, I suggest gumawa kayo ng hakbang patungong katotohanan na madali lg masyado, RELATED pa kay Eli – ang ELIMINATION TECHNIQUE! Hehe, huwag mag-panick. Simple lg ito, kahit di ka nagtapos ng elementary o high school, kaya mo ito.
Ito lang: sapagka’t nalaman natin bago lg na disqualified na ang mga iglesiang itinayo dito sa Pilipinas, including your sect, disqualified din ang mga iglesia Protestante,e ano na lg ang pipilian nyo? Dalawa na lg dambuhala at makasaysayang iglesia – iyon ay ang Orthodox Church at Catholic Church. Pero ang mga Orthodox churches ay lumabas sa Catholic church noong 1054 (kung nagbabasa ka ng World History – I hope so - aside sa “Biblia lamang” at daily news).
Therefore, isa na lg talaga ang naiwan, at wala na talagang iba pa, kundi ang totoong iglesia ng Dios na si Kristo na sa kanyang paghahari at paggabay ay lumaganap sa buong mundo (catholic = laganap, universal), na walang iba kundi ang IGLESIA KATOLIKA. “The Catholic Church is the true organization founded by Jesus Christ” (Grolier Encycl. Vol.5, p.106).
Ang tanong, kapatid na Eli at mga nasa Dating Daan, bakit hindi kayo nakikinig sa iglesia Katolika? Ang nakasulat e, kung hindi ka nakikinig sa kanya, ikaw ay bilangan bilang gentil (pagan, heathen; idolater) o ang traidor sa bayan at madayang tax collector. O sige nga, hihintayin ko ang inyong sagot.
Ano ang kapangyarihang ibinigay ni Hesukristo sa Simbahang ito? Mt.18:18 – Katotohanang sinasabi ko sa inyo (mga pinuno o obispo ng iglesia mula pa sa mga apostoles), na ang lahat ng mga bagay na inyong talian sa lupa ay tatalian sa langit: at ang lahat nga mga bagay na inyong kalagan sa lupa ay kakalagan sa langit.
Dito yata nagkakamali ang “pantas” sa Biblia. Ayaw mo kasing makinig sa iglesia e, puro iyong tinig na lang pinakikinggan mo, o iglesia lg ni Perez (1936) ang pinakinggan mo, at di mo nasisyasat ng mabuti at pakinggan ang iglesia Katolika na pinag-iwanan mo. Ika nga ni Rizal e, itinapon mo ang diamante upang kunin mo ang karaniwang bato.
CATHOLIC FAITH DEFENDERS DIOCESE OF BACOLOD CHAPTER Since 2014 to Present CFD WESTERN VISAYAS GOVERNOR: DR. REY V. ENTILA, PH...
-
THE OLD AND NEW TESTAMENT ROCKS written by: bro. Rey V. Entila (written: May 2006) CFD - Diocese of Bacolod One of the persistent object...
-
Mary Crowned as Queen of Heaven and Earth Written by: Bro. Rey V. Entila CFD - Diocese of Bacolod (Written: June 2005) Mary is Queen of ...